Holdaper patay, parak sugatan sa engkuwentro sa Cavite

NASAWI ang isang hinihinalang holdaper at sugatan naman ang isang pulis makaraang magkaengkuwentro sa Imus, Cavite.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng holdaper na nasawi habang kinilala naman ang pulis na nasugatan na si PO2 Gerry Dañasa.

Nabatid na pinagbabaril ng dalawang sakay ng motorsiklo ang isang checkpoint saka ito nilagpasan sa Barangay Buhay na Tubig, Imus na ikinasugat ni Dañasa.

Nakipagpalitan ng putok ang mga awtoridad sa mga suspek na ikinamatay naman ng holdaper sakay ng motor na may plakang DI 4096.

Nakatakas ang isa pang suspek sakay ng motorsiklo habang narekober sa insidente ang isang kalibre .38 baril at tatlong basyo ng bala.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Our lady of Pillar Hospital si Dañasa na nagtamo ng sugat sa paa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply