Holdaper tiklo, kasama nakapuga

tiklo

KULONG ang isang lalaki habang nakatakas ang kasama nang mambiktima ng binatang naglalakad sa Caloocan City kaninang madaling araw, Nobyembre 15.

Nakilala ang suspek na si Erickson Lagumay, 20 ng 6th avenue, Daang Bakal ng lungsod habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, naglalakad ang biktimang si Joseph De Dios, 19 sa Laon-Laan ng lungsod nang lapitan at tutukan ng patalim ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone at gintong kuwintas ng biktima bago nagsitakas ang mga suspek.

Nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si De Dios at nabawi ang cellphone habang ang kuwintas ay naitakas ng kasama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply