Holiday pay ibigay ng tama – Dole

dole-sec-baldoz

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na ibigay ng tama ang pay rules ngayong araw kaugnay sa paggunita ng ika-149 na kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, deklarado ng Malakanyang na regular holiday ang Bonifacio Day.

Sa itinakdang holiday pay rules ng DOLE, kung ang holiday ay natapat sa regular na araw ng paggawa at pumasok ang isang empleyado ay makatatanggap ito ng 200 porsyento ng kanyang arawang suweldo sa unang walong oras.

Sakaling lumagpas naman sa walong oras, makatatanggap ito ng karagdagang 30 porsyento ng kaniyang hourly rate.

Kapag hindi naman pumasok ang isang empleyado sa nasabing araw, ay makatanggap pa rin ito ng 100 porsyento ng kanyang regular daily rate.

Kung matapat sa araw ng day off ng isang manggagawa ang holiday at pumasok ito para magtrabaho, makatatanggap ito ng 260 porsyento sa kanyang daily rate sa unang walong oras at karagdagang 30 porsyento kapag lumagpas na rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply