Homicide isinampa vs pulis na nakapatay sa masaker suspek

MPD-HeadQ

HOMICIDE ang isinampang kaso ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) laban sa pulis na bumaril at nakapatay sa masaker suspek na umano’y nang-agaw ng baril sa isinagawang recovery operation noong Nobyembre 15, sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay PS Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, nagtungo ngayon sa kanilang tanggapan ang mga tauhan ng Commission on Human Rights (CHR) para humingi ng kaukulang report kaugnay sa nangyaring insidente.

Kaugnay ito sa insidente ng pagkakabaril kay Nestor Delizalde Jr., ni PO3 Michael Pastor, operatiba ng MPD-DPIOU sa loob ng mobile car habang papunta sa lugar kung saan irerekober ang iba pang “loot’ ni Delizalde.

Sinabi ni De Ocampo na ang pagtungo ng CHR sa kanilang tanggapan ay “for formality” lang.

“For formality lang kaya andito sila,” ayon kay De Ocampo.

Sinabi pa ni De Ocampo na ang pagsasampa ng kaso laban kay PO3 Pastor ay kasunod na rin ng pagbatikos ng CHR sa panibagong insidente ng pang-aagaw ng baril ng mga pulis-Maynila.

Si Delizalde ang itinuturong suspek sa pagmasaker kay Banco de Oro executive Evelyn Tan, 40, nanay niyang si Teresa, 60 at kanilang kasambahay na Cristina Bartolay, 22, noong Nobyembre 11, sa loob ng kanilang tahanan sa Sta. Cruz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply