Honda cars: Experience anew test drive

HUWEBES ng umaga ng kaming halos 40 miyembro ng motoring media ay lumipad patungong Tuguegarao, Cagayan. Paglabas ng airport ay nakahanda na ang full model lineup ng HCPI na kinabibilangan ng Accord 3.5 V6, Civic, Jazz, City, Pilot, Odyssey, at ang dalawang hybrid cars nila na Insight at CR-Z.

Doon ang simula ng aming halos 200 kilometrong pagmamaneho para sa unang araw ng test drive. Ang Accord 3.5 V6 ang aking unang sinakyan na minaneho ni Bam Olivares ng Daily Tribune at kasama rin namin sa sasakyan si Arnold Belleza ng Business World.

Ang unang stopover namin ay sa Kainang Pilipino kung saan nagbigay ng product briefing at orientation ang HCPI. Pagkatapos ay tumulak kami papuntang Callao Caves sa Penablanca na isang tourist spot. Sunod ay ang mahabang maneho papuntang Sta. Ana kung saan kami’y magpapalipas ng gabi. Marami sa amin ang namangha sa pagkakita sa Cagayan Holiday & Leisure Resort na first class ang itsura. Napakalaki ng gusali at maganda ang pagkakagawa. Bukod sa hotel rooms ay mayroon din silang mga villa na 2 bedrooms kung saan kami’y inilagay ng HCPI. Kasama ko sa villa si Kris Lim ng Business Mirror. Kumain kami sa napakalaking Chinese restaurant ng resort at syempre hindi doon nagtapos ang aming gabi. Pagkakain ng hapunan ay lumipat kami sa kanilang videoke room na aming ikinagulat dahil na naman sa sobrang laki na tila’y isang ballroom ito. Nagkantahan halos lahat na pinangunahan ni HCPI President Tatsuya Natsume at sinegundahan naman ni Ron delos Reyes ng Auto Review.

Sunod na araw alas singko ng umaga pa lang ay nag photo shoot na ang karamihan sa Sta. Ana airstrip. Bandang alas-otso ng umaga ay nag almusal bago simulan ang mahigit sa 300 kilometrong byahe papuntang Laoag International Airport sa Ilocos Norte. Itong araw na ito ay nagmaneho naman ako ng 1.5 Jazz kasama pa rin si Olivares at Belleza. Nagkaroon din ng photoshoot sa Patapat Viaduct sa Pagudpud at dahil medyo maaga kami sa iskedyul ay nakadaan pa kami sa Bangui Windmills kung saan muli kaming nag photo shoot.

Ang huling stopover, sa La Preciosa Restaurant sa Laoag. Dito ay nag “early dinner na kami” bandang alas singko ng hapon. Dumating din ang Honda Cars Laoag owner na si Melchor CO kasama ang kanyang may-bahay  at may pabalot pang ibinigay sa aming lahat. Dito rin ay nagpaalam na si HCPI President Natsume at si General Manager Bobby Ong dahil lilipad pa sila patungong Leyte kinabukasan. Bago kami umalis ng La Preciosa ay binigyan din kami ng HCPI ng isang supot ng pasalubong para sa aming pamilya.

Sa biyaheng mahigit sa 400 kilometro ay nasubukan sa iba’t ibang uri ng kalsada ang lahat ng sasakyan ng Honda, malaki man o maliit. Walang aberya. Iyan ang Honda Cars.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply