‘Honey’ passion

‘Passion for fashion’- ‘Yan ang tila naging tulay upang maabot ng isang kababayan natin ang tagumpay sa Amerika.

Sa isang pagtitipon ng mga kababayan natin sa bansang kung ituring ay ‘land of milk and honey’ ay nakilala ko ang Pinay na si Honey Fulgencio, manager ng isang women’s clothing store roon. Labimpitong taong gulang si Honey nang ipetisyon siya ng kanyang mga magulang patungong Amerika. Bagama’t hirap sa adjustment na kinailangan niyang gawin ay nanatiling matatag at determinado si Honey upang abutin ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Bagong trabaho, mga kaibigan, lifestyle, kapaligiran at kultura ang kinailangang harapin niya sa kanyang pagsisimula sa nasabing bansa. “It was different, adjusting to the weather especially here in Chicago, because of the winter, it’s like rain and cold and the lifestyle because we don’t have maids anymore, it was hard doing your own laundry,” pag-amin niya.

Subalit ang mga pagsubok na iyon ay hindi tiningnan ni Honey sa negatibong paraan, bagkus ay naging positibo ang kanyang pananaw dito. “You just meet new friends, then, you just meet everyone from different cultures, and I think it’s very interesting,” saad niya.

Dahil sa labis na pagsusumikap ay nakapagtapos siya ng kursong Broadcast Journalism.

Aniya ay hindi naging madali ang tinahak niyang landas sapagkat kinailangan niyang magtrabaho bilang bagger sa isang grocery upang tustusan ang kanyang pag-aaral.

“My first experience, I guess was just working. Working, I was 17 and I worked at a grocery as a bagger, because here, kids work at a very young age,” kwento pa niya.

Nang makapagtapos ng pag-aaral ay nakapagtrabaho sa opisina ng isang shipping company si Honey, subalit dahil sa tila hindi siya para sa mundong iyon at napagdesisyunan niyang lumipat ng trabaho. Sa isang fashion store siya sumunod na namasukan at sa mababang posisyon siya nagsimula. “I started from the bottom; I started in cleaning and vacuuming the store before. I was taking out the trash,” salaysay niya.

Sa kabila ng hirap na dinaranas ay hindi sumuko si Honey, patuloy siyang nagsikap at ipinakita ang dedikasyon at pagmamahal niya sa kanyang ginagawa, kaya hindi nagtagal ay napansin din ang mga katangian niyang ito nang ma-promote siya bilang manager.

“Now I manage a store, it’s sort of a boutique. It’s called our newbie, so it’s a women’s clothing store based in California and I like it because it’s fun, it’s fashion, and I get to meet a lot of people, Nag-i-enjoy ako, I like selling and just meeting new clients,” masayang paliwanag niya.

Maraming pagsubok ang maaring dumaan sa buhay ng tao, mga problemang maaring magpahina sa atin, subalit ang pagsuko ay hindi solusyon, sa halip gawin natin itong hamon upang patuloy na lumaban para sa ating kinabukasan. Gaya na lamang ni Honey Fulgencio na minsang naging bagger sa isang grocery, ngunit dahil sa patuloy na pagsisikap para sa pangarap ay manager na ngayon.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply