Huling araw ng voters’ registration, mapayapa – Comelec

BAGAMAN nagkaroon ng bahagyang balyahan bunga ng pagsisiksikan, naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagtatapos kahapon ng voters registration para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, tulad ng napagdesisyunan  ng komisyon eksakto alas-5:00 ng hapon kahapon nang nagsara ang mga opisina ng Comelec sa buong bansa.

Sinabi ni Jimenez na hindi na pinayagan pa ang hirit ng marami na palawigin pa ang voters   registration.

Ilan sa mga maliliit na reklamo na kanilang natanggap ay ang paniningit at paglaktaw sa pila ng mga registrant.

Ang pagsasara sa eksaktong oras ng Comelc ay upang bigyan ng halaga ng mga registrant ang pagpaparehistro para magamit ang karapatan sa pagboto.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply