Huwag n’yong subukan si General Espina

HINDI ako magtataka kung makuha ni Obama ang kanyang second term.

Totoong maraming problema ngayon ang Amerika dahil sa krisis sa kanilang ekonomiya, mataas na unemployment rate at pagkadiskuntento ng mga mamamayan nila sa  nangyayari sa kanilang bayan.

Pero lumutang ang political maturity ng mga Kano sa pagkapanalo ulit ni Obama dahil sa totohanan lamang, hindi naman bunga ng apat na taong termino ng incumbent President ang mga namuong problema.

Lahat naman ng present crisis sa States ay kagagawan din hindi lamang ni former President George W. Bush, bagkus ay ng mga dati pang naging Pangulo ng kanilang bansa.

Sa klase ng sistema ng US financial system at social governance, talagang darating ang panahong sasabog sa mukha nila ang krisis.

Parang bulkan na matatag ang tingin sa labas pero kumukulo sa ilalim.

Karaniwan lamang sa kanila na makautang ng bahay o ng kotse gamit lang ang credit
card o kaya social security number.

Kaya iyong mga hindi makabayad, embargo ng  bahay o kotse ang ending.

Alam naman natin na pera ang kailangan at hindi property para magkaroon ng maayos na economic activity ang isang bansa.

Hindi katulad dito sa atin at sa iba pang bansa, naghahanap ng kolateral o titingnan talaga ang kapasidad mong makapagbayad bago ka pautangin.

Bukod dito, uso rin sa States ang pagpapakain ng gobyerno sa mga bum o iyong mga talagang pabigat sa lipunan na tambay.

Kung jobless ka, walang bahay at walang kabuhayan, aampunin ka ng estado sa pamamagitan ng social welfare department hanggang makakita ka ng trabaho.

Iyong ibang Amerikano, sinasamantala na ito hanggang malumpo ang kaban ng bayan.

Kaya nga nang sumadsad ang ekonomiya ng Amerika dalawang taon na ang nakalilipas, doon na nila ininda ang maling sistema ng kanilang pagpapautang at paggastos sa mga walang silbing mamamayan.

Ito iyong mga panahong bumagsak ang presyo ng bahay sa kanila dahil iyong dating binili halimbawa ng US$350,000, ibinenta na lamang sa US$150,000.

Palugi na lang ibebenta para lang makaligtas sa lalo pang krisis.

Inalok ako ng kaibigan ko sa Amerika na mamili ng bahay roon dahil sa kamurahan kaya lang kahit anong kuwenta ang gawin ko sa pera ko, hindi umaabot kaya napapamura na lang ako sa panghihinayang.

Pero kahit ganoon ang sitwasyon noon, hindi naringgan si Obama na sinalbahe si Bush o isinakay sa wheelchair ang mga nakaraang Presidente nila kaya roon mo makikita ang talagang pagkahinog nila sa pulitika.

Ang kaibahan lamang ng incumbent President sa Amerika at ng incumbent President dito sa atin, kapag lumalabas na ang sakit ng bansa, walang ginawa ang nasa Palasyo kung hindi sisihin ang dating Pangulo at iba pa.

Naghahanap palagi ng masisisi kapag nakokorner na ang incumbent President dito kaya naman ang kapalit ay walang katapusang awayan sa pulitika.

Madalas, dumarayo pa sa ibang bansa para sirain lang at alipustahin ang mga naging lider bago siya naupo.

Si Pangulong Noynoy Aquino ang dalubhasa sa ganyang klase ng pulitika kaya hanggang ngayon, imatyur pa rin ang tingin sa kanya ng mga thinking class.

***

Kung hindi pa nararamdaman ni Executive Secretary Pacquito “Jojoy” Ochoa na unti-unti na siyang pinupungusan ng pakpak sa Palasyo. Manhid ang tawag sa kanya dahil dito.

Ang pagpasok ni Cabinet Secretary Rene Almendras sa Palasyo bilang opisyal na mangangasiwa ng mga importanteng galaw ng gobyerno at ng Pangulo ay hudyat na para mag-impake si Ochoa.

Dahil malalim lang ang pinagsamahan nila Ochoa at Noynoy kaya hindi madiretso ng Pangulo ang Executive Secretary na hindi na siya kailangan sa Office of the President.

***

Sino si  “Lee”  sa National Capital Region Office na umaakto ngayong central command ng lahat ng intelihensiya sa buong Metro Manila?

Baka naman masyado n’yo nang binubukulan si NCRPO Chief, Leonardo Espina, maawa naman kayo sa masipag na heneral!

Huwag naman.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply