Huwarang kartero, patay matapos magtanghal sa ‘Grand Cartero Day’

PATAY ang isang 52 anyos na huwarang kartero nang atakehin sa puso matapos umawit sa “Grand Cartero Day”.

Nakilala ang biktimang si Paul Camote, isang huwarang kartero ng Philippine Post (Phil post) .

Nabatid na nakapagtanghal pa at nakapagbigay ng isang awitin ang biktima sa harap ng kanyang mga kapwa empleyado at kartero ng Philpost sa nasabing selebrasyon.

Nang bumaba ng entablado ang biktima ay bigla sumama ang kanyang pakiramdam dahilan upang agad na isugod sa malapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival matapos atakehin sa puso.

Napag-alaman na dalawang decada na rin sa serbisyo si Camote at dahil sa katapatan nito sa trabaho ay naparangalan na ito ng Dangal ng Bayan Award noong 2007 at nasundan pa dalawang beses na parangal bilang Most Outstanding Employee ng PhilPost.

Nakatakda rin umano sanang tumanggap ng parangal si Camote ngayong araw subalit hindi na ito muling makaka-akyat pa sa entablado upang tanggapin ang kanyang parangal .

Lubos naman ang pagdadalamhati ng maybahay ng biktima na si Josephine Camote na sinabi nitong wala nang halaga ang pera ngayong wala na ang kanyang mister.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply