Hydropower plant sa sistemang irigasyon

hydro

Ang National Irrigation Administration at PNOC Renewable Corporation ay pumirma ng Memorandum of Agreement nito lamang Nobyembre 7, 2012 para sa pag-establisa at pag-operate ng isang hydropower plant sa mga nananatili pa ring mga kanal ng irigasyon sa piling lugar sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS).

Apat na lugar na ang ipinasa at ito ay tinatayang makagagawa ng may 3000 KW.

Dalawang lugar pa ang inaasahang maipapasa.

Ang MOA ay pinirmahan ni NIA Administrator Antonio S. Nangel at PNOC Renewable Corporation OIC President and CEO Roger Victor E. Buendia.

Nauna pa rito isang memorandum of Understanding ang pinirmahan sa pagitan ng kalihim Proceso J. Alcala at DOE kalihim Carlos Jericho L. Pertilla. Ang MOU ay nagpapahayag ng pagsuporta at pag-alalay sa bagong nagawang kooperasyon sa pagitan ng NIA at PNOC RC sa pag-establisa at pag-operate ng hydropower plants sa mga nananatiling irigasyong kanal ng NIA.

Sa isang maikling mensahe na binigkas ni kalihim Alcala, sinabi niya na ang MOA ay isang kongkretong pagbibigay bisa sa pagkakaisa at pagtitipid sa paggamit ng mga resources ng iba’t-ibang ahensya upang bigyan ng kasiyahan ang mga tao lalung-lalo na ang mga nasa kanayunan.

Sa puntong ito kanyang sinabihan si NIA administrator Nangel upang ituro ang mga posibleng lugar sa Mindanao at isumite sa kanya ang listahan na di-aabot sa huling araw ng buwang ito ng Nobyembre. Tinuran pa niya na ang hydropower plant na proyektong ito sa Mindanao ay malaking tulong sa lugar na naturan, sapagkat sila ay nakararanas ng intermittent power shortages.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply