I-regulate ang pisonet

NAKABABAHALA ang pagsulputan ng mga ‘PisoNet’ machine sa maraming lugar, partikular sa depressed o squatter areas sa Metro Manila. Ang ‘PisoNet’ ay isa na namang imbensiyon na nahahawig sa operasyon ng video karera na ang layunin ay mandaya sa mga nahihilig sa paggamit ng mga ito.

Sa madaling sabi, talo ang mga gumagamit o manlalaro nito dahil ginawa ito ng mga enterprising businessmen para pag-kakakitaan. Tulad ng VK na namamaniobra ang panalo ng mga may-ari, ang ‘PisoNet’ ay nakadisenyo para dayain ang mga manlalaro sa bilang ng oras.

Sa PisoNet, ang 1 piso ay may 5 minutong katumbas ng haba ng paglalaro, ngunit puwedeng maniobrahin ng PisoNet owners ang oras. Sa unang laro, buo ang P1–5-minute, subalit sa kalaunan – kapag naadik ka na sa paglalaro ng PisoNet, doon ka na dadayain.

Sa kalagitnaan ng pagkalulong ng manlalaro, hindi alam nito na hindi na pala 5 minutes, bagkus nagiging 4 hanggang 3 minuto na lang ang haba ng oras ng laro.

Tulad ng VK, nakaaadik ang PisoNet at ang target na niloloko ng mga operator nito ay ang mga naka-tira sa depressed o squatter areas. Tulad pa rin ng VK, ang mga PisoNet den ay nag-ooperate nang iligal dahil walang kaukulang permiso ang mga local government unit.

Kaya ang suhestiyon natin sa mga alkalde ng LGUs, iwasang isyuhan ng business permits ang PisoNet dahil ito’y walang idudulot na mabuti sa pangkalahatan. Kung bigyan man, kalangan sigurong i-regulate, magkaroon ng patuntunan para masigurong hindi makapaminsala, lalo na sa taumbayan.

Hamon kay Sec. Mar

TILA, hindi natitinag ang mga alkalde at kapulisan ng Batangas sa babala ni DILG Sec. Mar Roxas  tungkol sa operasyon ng STL-con jueteng. Hanggang ngayon kasi, ‘di kumikilos si S/Supt. Rosauro Acio at ang police chiefs para matigil na ang sugal.

Sa sumbong, 24/7 ang bookies operation sa lugar ni Tanauan City Mayor Sonia Torres – Aquino at police chief Supt. Jeremias Agluyub. Ang mga operator ay sina Jun Ocampo, Teryo, Kanor, Dano, Kancio, Ed Villanueva, Dexter, Angel at Obet Malabanan.

Sa San Jose, ‘di matinag ni Mayor Eutiquio Briones at C/Insp. Eduard Padilla Mallo ang jueteng nina Virtucio, Kap. Ineo, at Kap. Indo. Napakahina ang dating nina San Pascual Mayor Antonio Dimayuga at C/Insp. Rommel Agbunag at Bauan Mayor Ryan Dolor at Supt. Alfredo Dangani pagkat ‘di masupil ang pasugal nina Aling Nene at Aling Minda.

Ganito rin ang larawan sa San Juan dahil lantaran ang operasyon nina Kap. Nelson at Fress pero dedma lang sina Mayor Rodolfo Manalo at Supt. Elpidio Ramirez.

Sa Sto. Tomas, ‘di kumikilos si Mayor Renato Federico at C/Insp. Castillo para sawatain sina Alex, Jojo, San Jose at Lito.

Namamayagppag ang operasyon ni Oslo pero tulog yata sina mabini Mayor Nilo Villanueava at S/Insp. Ancheta.

Dapat sigurong kastiguhin na ni Sec. Mar ang kapulisan at LGUs ng Batangas. Eh, kasi sa kabila ng kanyang warning, nagbubulagbulagan pa rin ang mga ito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply