Iba pang brand ng noodles sa merkado susuriin ng FDA

SUSURIIN na rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang iba pang brand ng mga noodles na ipinagbibili sa bansa upang mabatid kung posibleng nagtataglay din ang mga ito ng potentially cancer-causing chemical na benzopyrene.

Ito’y kasunod na rin ng voluntary recall ng mga importer sa Korean instant noodles na sinasabing nagiging sanhi ng cancer.

Sa ipinalabas na advisory ng FDA, sinabi ni acting FDA head Kenneth Hartigan-Go na sisimulan nilang inspeksiyunin, kolektahin at suriin ang mga noodles na hindi sakop ng voluntary recall bilang pag-iingat.

“The Philippine government mandate is to protect consumers and is taking regulatory steps to ensure that these products will be off the market shelves immediately,” ayon kay Hartigan-Go.

Nauna rito, boluntaryong ini-recall ng mga importers ang anim sa siyam na Korean instant noodles na una nang ipinabawi ng Korea dahil sa taglay na benzopyrene.

Kabilang dito ang Nongshim Neoguri (Hot), Nongshim Neoguri (Hot) Multi, Nongshim Neoguri (Mild), Nongshim Big Bowl Noodle Shrimp, Nongshim Saengsaeng Udon Bowl Noodle, at Nongship Saengsaeng Udon.

Sinabi ni Hartigan-Go na ang mga nasabing produkto ay hindi na papayagang maipagbili pa sa merkado sa hinaharap maliban na lamang kung lilitaw sa pagsusuri na ligtas na ang mga ito.

Hinimok rin nito ang publiko na huwag nang bilhin ang mga naturang produkto at kaagad na isumbong sa FDA sakaling makitang ipinagbibili pa rin ang mga ito sa merkado.

“We urge the public to avoid buying these products and report to us if these brands are still in the market. If you have these products, please dispose of them as they are not fit for consumption,” aniya pa.

Maaari umanong tumawag sa FDA sa mga teleponong 8078275 at 8070751.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply