Ibinebentang balota, tsismis lang – Brillantes

brillantes

TSISMIS lang ang mga ulat na ngayon pa lamang ay may mga ipinagbibili nang peke o ‘excess ballots’ para sa 2013 midterm elections.

Reaksiyon ito ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., sa napaulat na sinabi umano ni House Minority Leader Danilo Suarez na may mga pekeng balota para sa 2013 mid-term elections ang ipinagbibili na ngayon pa lang.

Ayon kay Brillantes, hindi maaaring makapagbenta ng excess ballots dahil wala pa ang mga balota at ni wala pa nga umano sa bansa ang mga papel na gagamitin sa paggawa nito, na manggagaling pa sa ibang bansa.

Umapela rin si Brillantes na bago isapubliko ang isang impormasyon ay beripikahin muna ang mga detalye nito.

“Sinasabi ko lang, huwag masyado maingay, you have to verify facts first before talking. Don’t say they’re selling ballots in Mindanao,” aniya

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply