ICT industry, hinikayat na maglingkod sa mamamayan

HINIKAYAT ni Bayan Muna congressman Teddy Casino ang mga kasapi ng information and communication technology o ICT na maglingkod sa mas malawak na mamamayan.

Ibinahagi ni Casino ang naturang hamon sa ika-limang kumbensyon ng National Information and Communication Technology Councils of the Philippines NICTCP sa Sta Rosa, Laguna kahapon.

Ayon kay Casino, karaniwang sa business process outsourcing o call center industry lamang naka-sentro ang atensyon ng ICT sa bansa.

Sinabi ng kandidato sa pagka-senador na pangarap niyang Makita na ang mga gumagawa ng mga software ay maghahanap ng paraan upang mas mapalapit ang kanilang produkto sa karaniwang mamamayan, lalo na sa mga rehiyon.

Sinabi rin ni Casino na malaking tulong kung ang ICT industry sa bansa ay makatuwang ng mga maliliit na negosyo upang tulungan silang umunlad.

Nalulungkot ang mambabatas, chairperson ng Congressional Committee on Small Business and Entrepreneurship Development na karaniwang papel at lapis pa rin ang gamit ng maliliit na negosyo sa bansa para sa kanilang mga transaksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply