Ilang bahagi ng Luzon, MM makararanas ng magandang panahon

ASAHAN pa rin ang magandang panahon sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila at Visayas, ngayong araw.

Maaari namang makaranas ng pag-ulan ang Southern Mindanao bunsod ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan na ang maulap na papawirin at
manakanaka hanggang sa bahagyang pag-ulan sa Davao at SOCSARGEN regions.

Samantala, naging tagumpay namang nasaksihan ng mga Filipino ang penumbral lunar eclipse dahil sa magandang panahon, kagabi.

Ang penumbral eclipse ay ang pagdaan ng buwan sa anino ng mundo, ayon sa weather bureau.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply