Iligal na sugal sa Region 8 at meaning ng ‘matuwid na daan’

NAKALULUNGKOT isipin na ang administrasyong PNoy na nangampanya noon na kung walang kurap, walang mahirap ay mistulang naging tagapagtanggol pa ng corruption at dagdag pahirap sa taumbayan!

Matapos mailuklok, sa halip na tuparin ang ipinangako niyang FOI bill, ang nilagdaang batas ay ang “anti-cyber crime law.”

Sa FOI, kahit ang dugyot na Pinoy ay maaaring tumingin sa dokumento kaugnay sa anomang transaction ng gobyerno para matiyak na wala itong katiwalian!

Sa Anti-cyber Crime law, kapag may napuna kang katiwalian at ito ay inilathala mo sa pamamagitan ng social networking sites ay ikukulong ka na parang kriminal!

Oh, hindi ba pagtatanggoll ‘yan pabor sa corruption?

Matapos mailuklok, sa halip na pagkalooban ng libre o murang pagamutan ang mahihirap, ang isinusulong ngayon ay isapribado ang mga pampublikong ospital sa bansa.

Oh hindi ba lalong pandiin ‘yan sa mahihirap na Filipino?

Hindi pa nakuntento, parekoy, habang hinahagilap ng ating mga kababayan kung nasaan o ano ang ibig sabihin ng “matuwid na daan” mayroon na namang ipinanunukala itong PNoy government. Ipa-privatized ang footbridges o mga tulay na tawiran para magkaroon ng bayad ang lahat ng tao na tatawid doon!

Ngayon ay nasagot na sa aking isipan ang tanong kung ano talaga ang matuwid na daan.

Ito yaong mga tulay na tawiran na ginastusan ng pera ng bayan pero nang umupo si PNoy, ang sinomang pobreng daraan ay pagbabayarin. Pwe!

-o0o-

KARUGTONG po ito, Gen. Elmer Soria, ng mahabang listahan ng gambling lords sa Region 8 na diumano ay sentralisado sa Regional level ng PNP ang “lingguhang tong-pats!”

Si Embot Aya-ay ang may control ng sugal sa Maasin, Southern Leyte at alyas Mayor Jun Gamutan naman ang kilalang may hawak sa San Francisco, So. Leyte.

Si Junior Petilla ang lord ng St. Bernard, So. Leyte samantalang si Elena Lim naman ang namamayagpag ngayon sa Liloan, So. Leyte.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply