Illegal recuiter, timbog

ARESTADO ang isang ginang dahil sa pagtangay nito ng mahigit na P100,000 mula sa ni-recruit nitong mga biktima .

Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na si Melinda Pascual at nahaharap sa kasong estafa.

Ayon sa isa sa 9 na biktimang lumutang sa himpilan ng pulisya, pinangakuan sila ng suspek na makapagtrabaho bilang waiter sa ibang bansa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakaalis ng bansa.

Nabatid na maliban sa 9 na biktima ay marami pa umanong nabiktima ang suspek na pawang mga taga probinsya na hiningan din ng malaking halaga para sa pagproseso umano ng kanilang mga dokumento.

Dahil sa pagdududa ng ilang na-recruit ng biktima ay agad silang humingi ng tulong sa pulisya kung saan isinagawa ang operasyon na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply