Illegal vendors na illegal terminal pa

DOBLE-DOBLE ang pinagkakakitaan ng mga tauhan ng Manila Police District Station 3 na lantarang sumusuway sa kasalukuyang clean up drive ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa reklamo ng lib-libong commuters na ipinararating sa pamunuan ng lungsod at maging sa iba’t ibang religious organization, lantarang sinusuyway ng MPD Blumentrit Station ang ultimatum na ibinaba ni Mayor Alfredo Lim na “zero Vendors” sa lahat ng mga pangunahing¬† lansangan sa lungsod at ibigay ang mga national or main road sa mga motorista at pedestrian.

Ayon sa reklamo nangunguna sa mga sumuway sa ibinabang direktiba at may kaakibat pang pagbabanta mula kay Mayor Lim ang pamunuan ng MPD Station 3 ni Commander Capt Ed Morata, kung saan mula Rizal Avenue hanggang Blumentritt ay nanatiling tambak ang illegal vendors at isinara na sa daloy ng trapiko .

Habang ginawa namang paradahan ng mga iligal at colorum na FX ang isang bahagi ng Blumentrit para sa mga biyaheng Novaliches Bayan at Novaliches San Bartolome at tinatakkpan ito ng mga iligal vendor .

Matatandaan na kamakailan ay nagbabala si Lim na litrato lamang ng mga nagkalat na vendors ang makarating sa kanya ay agad niyang sisibakin ang station commander na nakasasakop sa area.

Sa katunayan ay halos doble pa ang kita ng Station 3 na pinamumunuan ni P/Supt Ricky Layug nang tambakan nila ang illegal vendors ang kalye ng Blumentritt, isang main thoroughfare para magamit pa nilang illegal terminal ng mga FX na may biyaheng Novaliches Bayan.

Mismong mga mag aaral, mga nag-oopisina na naabala at mga parishioners ng mga kalapit na simbahan ang umaaangal sa mga tauhan ni Morata na lantrang bumabalewala sa utos ni Lim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply