Imbak na gasolina sumabog; 2 patay, 9 sugatan

quezon

DALAWA katao kabilang ang isang bata ang namatay habang siyam na iba pa ang malubhang nasugtan ng sumabulat ang naka-imbak na gasolina sa isang tindahan sa San Narciso, Quezon, sa ulat ng pulsiya ngayon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kasalukuyan ngayong pinaghahanap ng mga awtoridad ang may-ari ng sumabog na tindahan na nakilalang si Rolando Espelita ng Sitio Poras, Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon na agad na tumakas.

Lumalabas sa isinasagawang pagsisiyasat ni Fire Officer 3 Emiliano Alcala ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula lamang sa biruan ang insidente.

May kabiruan umano Espelita na siyang may-ari ng tindahan na kunwari ay sisindihan ang imbakan ng gasolina sa nasabing tindahan.

Nabigla ang lahat ng totoong magliyab ang naturang tindahan at sumabog ito dahilan upang mamatay ang 12-anyos na batang babae na kinilanag si Reslie Anne Rivanona naglalaro lamang at isang Irma Pinid, 26-anyos.

Nabatid na bukod sa mga namatay ay may siyam na mga kamag-anak ni Espelita ang nasugatan sa pagsabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply