Imbestigasyon sa Glenn Defense Marine Asia

MAHIGIT 700% sobra sa taas ng toxicity o pagiging nakalalason ang liquid domestic wastes at bilge water na hinihinalang itinatapon mismo sa karagatan ng Subic Bay ng Malaysian contractor na Glenn Defense Marine Asia sa halip na isailalim sa treatment at saka sa layong 20–25 nautical miles mula sa pinakamalapit na pampang pawalan.

Ito Ang Totoo: Ang 700% sobra sa taas sa pinapayagan ng Dept. of Environment & Natural Resources (DENR) batay sa Administrative Order 35 series of 1990 (DAO-35 on acceptable amount of toxicity) ay lubhang mapanira saan mang ecosystem.

Mismong SBMA Ecology Dept. ang nagpa-testing sa samples mula sa tanker ships ng Glenn Defense Marine Asia na MT Glenn Guardian at MT Glenn Enterprise.

Ang Glenn Defense Marine Asia ang may kopo ng daan-daang milyong pisong halaga ng kontrata para maghakot ng liquid wastes mula sa mga dayuhang  barko na dumadaong sa Subic Freeport.

Sa isinagawang inspection ng Philippine Coast Guard at SBMA Ecology Dept. kamakailan, nabisto ang Glenn Defense na wala palang kaukulang permiso mula sa SBMA upang maghakot ng hazardous liquid waste mula sa mga barko at maging ang dalawang barkong tankers nito ay pawang paso na ang mga papeles.

Batay sa records, noong pang 2009 nagsimulang manalasa, este, mag-operate sa Subic Bay Freeport ang Glenn Defense Marine Asia.

Maging ang MARPOL  (Marine Pollution) Div. ng Coast Guard sa Subic ay duda sa Glenn Defense tankers kung talagang lumalabas nga ng Subic Bay ang mga ito at sa malayo itinatapon ang domestic wastes at bilge water na hinahakot mula sa mga barkong dumadaong sa Freeport.

Ang siste umano, matapos maghakot sa mga nakadaong barko, paparada lamang sa NSD wharf sa loob ng Freeport ang MT Glenn Guardian at MT Glenn Enterprise at doon unti-unting tumataas ang pagkakalutang dahil gumagaan at nawawala na ang laman.

Ito Ang Totoo: Noong 2011, inakusahan at kinasuhan na rin ang Glenn Defense Marine Asia ng pagtatapon ng liquid waste sa Manila Bay. Naka-binbin ang naturang kaso sa DENR-NCR.

May mga pagsusuring lubhang bumababa na ang kalidad ng tubig nitong nakalipas na ilang taon sa napakagandang Subic Bay.

Hanggang sa ngayon ay patuloy naman ang imbestigasyon ng SBMA pero ang nawawala ay ang ingay at kandalaiti ng mga tinaguriang environmentalists.

Masahol pa ito sa Coal Power Plant. Ang masamang epekto ay ngayon mismo na magpapatuloy hanggang sa tuluyan nang mamatay ang lahat ng isda at iba pang may buhay sa Bay kung hindi maaabatan ng  mga nagmamalasakit na mamamayan. Ito Ang Totoo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply