Ina, amain ng batang nasunog sa Las Piñas, kakasuhan ng murder

KAKASUHAN ng murder at parricide ang ina ng batang nasunog sa isang bahay sa Las Pinas at ang live-in partner nito, dahil sa sadyang pagkadena sa bata kung kayat di ito nakalabas ng bahay ng tupukin ito ng apoy sa Fatima Compound, Zapote, Las Pinas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Angelo Malbas, 6 anyos at isang bulag, na kasamang natupok ng kanilang bahay ng masunog ito. Dinakip naman ang kanyang ina na nakilalang si Ana Lou Satur, 23 anyos at ama-amahan na si Bernardo Comen, na sinasabing nag-iwan sa bata na nakakadena at nakapadlock pa umano ang pinto ng kanilang bahay.

Todo-tanggi naman ang ina na kinakadena niya ang anak bagamat aminado itong tinatali ito dahil sa kalikutan. Kinumpirma din ng nakababatang kapatid ng biktima ang ginagawang pagtali ng ina  sa nakatatandang kapatid.

Ayon kay PO3  Jill, imbestigador sa Las Pinas Women and ChildrensDesk, kanilang dadalhin ang anak na bata ng mga nakakulong na mag-asawang suspek sa DSWD dahil walang mag-aalaga dito, dahil wala ring trabaho ang tunay na ama nito na si Reynaldo Malbas na lubos na nalungkot sa sinapit ng kanyang anak na nasunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply