Inarestong kelot wala sa listahan ng suspek ng Ampatuan massacre, pinalaya

TACURONG City Sultan Kudarat – PINALAYA ng kapulisan ang naarestong suspek sa Maguindanao massacre

Sa panayam ng Remate kay S/Supt. Jaime Pido, provincial director ng Maguindanao PNP, wala sa listahan ng mahigit 100 pang mga suspek na at large, ang pangalan ni Imen Usman, 17, at isang mag-aaral.

Si Usman ay naaresto ng mga atoridad kasabay ng paggunita ng ika-tatlong anibersaryo ng Maguindanao massacre.

Hinuli siya habang isinasagawa ang programa sa anibersaryo ng masaker kahapon at iprinisinta sa mga opisyal na dumalo sa naturang programa.

Hindi naman umano nagreklamo ang pamilya ng naturang estudyante na dumalo rin sa programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply