Incumbent gov ng Nueva Vizcaya, diniskuwalipika ng Comelec

comelec

DINISKUWALIPIKA ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ng incumbent Governor ng Nueva Vizcaya na tatakbo bilang kongresista sa nasabing lalawigan sa 2013 midterm elections.

Ayon sa Comelec nabigong isumite ni Nueva Vizcaya Gov. Luisa Lloren-Cuaresma ang kanyang personal na certificate of candidacy (COC) o ang paghahain ng duly authorized representative.

Paliwanag ng Comelec, ang sinumang maghahain ng kanilang kandidatura ay kailangan mag-under oath at nakanotaryo sa isang abogado ang katibayan ng pagiging kandidato nito.

Sa Comelec resolution, ang Section 3 ng Resolution No. 9518 ay nilabag ni Cuaresma dahil  nadiskubreng hindi duly authorized ang pinaghain nito ng CoC.

Nilagdaan ang nasabing resolusyon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes at iba pang komisyuner.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply