Indian Coast Guard patrol ship darating sa bansa

DARATING sa bansa anumang oras ngayon ang  Indian Coast Guard patrol ship na Sangram.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG)  Spokesman Lt. Commander Arman Balilo, sasalubungin ang Indian Coast Guard patrol ship ni PCG officer-in-charge Rear Admiral Luis Tuason, mga opisyal ng Maynila at ng Indian Embassy sa pagdaong nito sa Pier 15.

Ito ay mananatili ng 4 na araw lulan ang 60 crew para sa goodwill visit at training exercise kasama ang PCG.

Ang goodwill games at information and network sharing on law enforcement matter ay kabilang sa mga aktibidad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply