Indian nat’l patay, anak at pulis sugatan

PATAY ang isang Indian national habang sugatan ang anak at isang pulis nang matumbok ng nag-overtake na jitney sa Navotas kagabi, Nobyembre 22.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Ajit Kumar, 51 ng Maya-Maya st., Navotas ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng pinsala sa katawan ang anak ng nasawi na si Ajay, 7 ng nasabing lugar at PO1 Luis Hizon ng Malabon City Police.

Sumuko naman sa mga pulis si John Espiritu, nasa hustong gulang ng Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:40 ng gabi, pumapasada ang suspek dala ang Isuzu Jitney (PUV-440) at pagsapit sa Honorio Lopez st., ng lungsod ay nag-overtake sa sinusundan jitney.

Natumbok ng suspek ang kasalubong na mag-ama sakay ng Honda (2677-RN) na naging dahilan upang tumilapon ang mga una habang natamaan naman ang dalang motorsiklo ni Hizon ng motorsiklo ng nasawi na naging dahilan upang sumemplang ang pulis.

Matapos ang insidente ay dinala sa TMC ang mga biktima habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply