Init ng Heat walang bisa sa Grizzlies

grizzlies

TINUTUKAN ng Miami Heat ang inside scoring duo nina Zach Randolph at Marc Gasol subalit nakaligtaan naman nila si reserve guard Wayne Ellington dahilan upang malugmok sila sa Memphis Grizzlies, 86-104 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Humarabas ng career best pitong 3-pointers si Ellington upang tambakan ang defending champion Heat at ilista ang five-game winning streak ng Memphis.

”I don’t think Ellington will be able to sneak in the back door anymore,” pahayag ni Miami center Chris Bosh. ”I didn’t know he could shoot the ball like that. We know now.”

May total 25 points at tatlong assists si Ellington habang nagdagdag si Rudy Gay ng 21 puntos para ilista ang 5-1 win-loss card ng Grizzlies at manatiling nasa segundo puwesto sa overall standings sa Western Conference.

”We played outstanding basketball,” masayang sabi ni Memphis coach Lionel Hollins.

Sumalpak si Randolph ng 18 markers at 12 rebounds habang ang star center ng Grizzlies na si Gasol ay nakapagtala lang ng dalawang puntos.

Dalawang beses lang nakatabla sa score ang Heat pinakahuli ay ang 14 all at pagkatapos ay puro paghahabol na lang ang ginawa nila.

”There were critical places in where the game turned like sloppy turnovers, missed shots or big baskets that couldn’t get us over that hump,” ani Heat coach Erik Spoelstra. ”They played very well. They played physical, and they did what they needed to do to bring it home.”

Sina Chris Bosh at LeBron James lang ang naka double digits score sa Heat kaya naman nalasap nila ang ikalawang kabiguan sa pitong laro.

May 22 markers at walong boards si Bosh habang 20 pts., 10 rebounds at anin na assists si three-time MVP James.

”They are close to last in 3-pointers made and 3-pointers attempted per game,” wika ni James. ”We paid for it today. They shot the ball extremely well.”

Naka walong puntos lang isa sa Big 3s ng Heat na si Dwyane Wade habang ang tirador na si Ray Allen ay nagtala lamang ng limang puntos.

Samantala, tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Cleveland Cavaliers, 106-91 habang kinaldag ng Brooklyn Nets ang Orlando Magic, 82-74.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply