Iniwan ni misis, mister nanghalihaw ng samurai

TAGUIG CITY – Isang haligi ng tahanan ang dinampot at ikinulong ng pulis makaraang maghamon ito ng gulo at manghalihaw ng samurai sa kanilang lugar sa kahabaan ng Sampaguita St., Barangay Wawa ng naturang lungsod noong Mates ng hapon.

Sa ulat na ipinarating ni Arresting Officer SPO1 Berringer Suarto sa himpilan ng Investigation and Detective Management Section (IDMS), sinabi nito na nabulabog ang mga naninirahan ng nasabing komunidad ng pasuray-suray na sumipot doon ang suspek na nakilalang si Eric A. Roldan, 38, nakatira ‘di kalayuan sa nabanggit na lugar na may bitbit na samurai.

Sinabi pa ni Suarto na habang naghahamon ng gulo ang suspek ay iwinawasiwas nito ang hawak na samurai, dahilan upang gumawa ng kaukulang hakbang ang awtoridad.

Nang bitbitin ng pulis sa kanilang himpilan ang suspek, dagli rin na nakipag-ugnayan sa mga alagad ng batas ang ina nito na nagngangalang Linda kung saan ay sinabi nito na naging aburido at nawalan umano ng direksiyon sa buhay ang kaniyang anak mula ng iwan ito ng asawa may isang taon na ang nakalilipas.

Nahaharap sa kasong public scandal at illegal possesion of deadly weapon ang ikinulong na suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply