Interpol kinalampag ng NBI vs Aman Futures

NAKIPAG-UGNAYAN na ang National Bureau of Investigation sa International Criminal Police Organization (Interpol) at sa Malaysian Embassy sa Pilipinas para sa ikadarakip ng isang Malaysian national na sangkot P12 bilyong pyramid scam na bumiktima ng 15,000 katao sa Visayas at Mindanao.

Nabatid sa ulat ng NBI, na ang Malaysian national na si Manuel Amalilio, may-ari ng Aman Futures Group Incorporated na sangkot sa P12-billion na pyramiding scam sa  Pilipinas, ay namataan sa Malaysia.

Ayon kay NBI Director Nonnatus Rojas, nagpadala na sila ngayong araw ng notice sa Interpol at Malaysian Embassy kung saan ipinaalam nila na si Amalilio ay nasampahan na ng reklamo sa prosecutor’s office sa Pilipinas.

Napag-alaman sa NBI na nasa Malaysia na si Amalilio base na rin sa ulat ng Malaysian police.

Hihilingin ng Pilipinas sa Malaysia na maipa-deport si Amalilio sa Pilipinas, ayon kay Rojas.

Gayunman,  walang umiiral na extradition treaty o mutual legal assistance treaty sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia.

Aminado si Rojas na hindi nila agad mahihiling ang pagpapadeport kay Amalilio dahil wala pa namang nailalabas na warrant of arrest laban dito.

Dahil dito, doble kayod, aniya, ang NBI at ang mga prosecutor upang matiyak na maisusulong na sa korte sa lalong madaling panahon ang kasong syndicated estafa laban kay Amalilio at sa iba pa kasama nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply