Intindihin mo, MPD homicide chief

pakurot

NOONG Martes galit na galit si Manila Mayor Alfredo Lim matapos magsumbong ang vendors mula sa Arranque Market sa C.M. Recto sa Sta. Cruz, Maynila nang kinumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District ang kanilang mga panindang second hand na cellphone noong Oktubre 30, 2012.

Kaagad na inutusan ng alkalde si MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez na imbestigahan kung may katotohanan ang bintang laban kay Sr. Insp. Roberto Mupas, hepe ng Manila Police District- Crime Against Property Investigation Section o dating theft and robbery section na ginagamit nito ang pangalan ni Mayor Lim sa kanilang mga hakbang laban sa mga nagtitinda.

Kung tutuusin, hindi galit ang alkalde sa ginagawang operasyon ng mga pulis lalo’t kung ito ay para sa kabutihan ng mga mamamayang kanilang pinagsisilbihan. Ang ikinagagalit nito ay ang paggamit ng kanyang pangalan para lang mabigyang katwiran ang ginagawa ng mga pulis tulad ng ginawa ni Mupas.

Naku, Mayor Lim, napakadali namang limiin ng mga ganyang aksyon ng pulis o kanilang opisyal. Ibig lang sabihin, hindi po sila mga kakampi ninyo kasi sinisira nila ang malinis ninyong pangalan sa pagseserbisyo sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

Ganito rin po kasi ang ginagawa ng hepe ng MPD-homicide section na si Sr. Insp. Joselito “Joey” Ocampo sa nga negosyanteng lumalapit sa kanya upang makapagnegosyo sa inyong nasasakupan. Ang inyong lingkod po ay isa sa kanyang biktima na matapos niyang sabihan na magtayo ng punerarya  sa Maynila ay tsaka niya sinabihang  ang isa sa inyong mga anak ang dapat kausapin dahil kaibigan n’yo raw po ang may-ari ng puneraryang kanyang inaalagaan.

Malaki umano ang naitulong ng may-ari ng punerarya sa inyong kampanya noong 2010 kung kaya’t hindi kayo o maging ang anak ninyo makapapayag na may makinabang na iba pa. Bagaman hindi ko kilala, sa tulong ng isang kaibigan, narating at nakausap ko ang inyong anak na tulad ninyo ay mabait at madaling lapitan.

Mismong anak ninyo ang kumausap kay de Ocampo na kailangang mabuhay rin naman ang ibang negosyante upang maging masigla rin ang buwis na matatanggap ng pamahalaang lungsod. Pero tinabla ni De Ocampo dahil ang totoo, malaki ang tinatanggap niyang lingguhang parating mula sa alaga niyang punerarya.

Kung iisipin, bakit ilang beses na iniutos ni Mayor Lim ang pag-rescue sa mga patay na hino-hostage ng puneraryang nagbibigay kay de Ocampo ng dagdag na kabuhayan?

Kasi, hindi kilala ng punong lungsod ang may-ari nito. Ilang beses na ring nag-init ang Manila City government dito dahil nasangkot ang puneraryang ito sa bentahan ng  bangkay.

Hindi ako naniniwala na nakikinabang si Mayor Lim o ang anak niya sa puneraryang alaga ng MPD homicide. Sino ang talagang nakikinabang? Sabi nga ni de Ocampo este ng tao niya, hinahatian daw nito ang dating hepe ng homicide na siyang nagrekomenda kay de Ocampo para maghepe ng naturang seksyon.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply