Inutil na batas

bobby-ricohermoso

SA wakas ay inamin na rin ni National Telecommunications Commission (NTC) Director Edgardo Cabarios na wala talaga silang magagawa para pigilan ang patuloy na pagbalewala ng mga higanteng telecommunication company sa kanilang mga iniu-utos.

Ang dahilan aniya ay ang isang batas na ginawa noon pang 1936 pero hindi pa rin naaamenyendahan hanggang ngayon.

Base kasi sa Public Service Law na ipinasa noong 1936, maaari lamang patawan ng P200 multa kada araw ang mga telco na kumikita ng daan-daang milyon kada araw.

Dahil sa nasabing batas ay hindi na ako magtataka kung bakit hindi pinapansin ng telcos ang utos ng NTC na ibaba nila ang singil sa mga text message mula sa piso patungo sa 80 sentimos kada mensahe.

Maging ang utos ng NTC na bawasan din ng telcos ang ka-nilang singil sa mga tawag sa pamamagitan ng pag-angkop sa actual pulse rate sa halip ng umi-iral na per minute rate.

Lahat ng mga utos na ito ng NTC pati na rin ang pagsasabi nito na i-refund ang mga subscriber dahil sa overcharging ay binabalewala ng mga higanteng telcos.

Eh paano ba naman papansinin ng telcos ang utos ay talaga namang napakababa ng multa na P200 lang kapalit ng milyon-milyong kinikita nila kada araw?

Kahit sino ang lumagay sa katayuan ng telcos ay gagawin din ang pang-iisnab na ginagawa nila ngayon.

Sa harap ng ganitong mga pang-aabuso ng telcos at pagba-lewala nila sa kapangyarihan ng NTC, nararapat lamang na kumilos ang mga kaukulang tanggapan ng pamahalaan upang mabigyang solusyon ang ganitong kawawang sitwasyon ng ahensiya.

Hanggang hindi naiaangkop ang mga batas sa kasalukuyang panahon ay siguradong patuloy na sasagasaan ng telcos ang NTC at aabusuhin nila ang kanilang mga consumer.

Ang isa sa puwedeng gawin ay palitan at repasuhin ang man-dato ng NTC kung saan ay mabibigyan ito ng kapangyarihan para magpasara at ‘di kaya ay magpataw ng malaking multa sa  telcos na hindi susunod sa kani-lang mga utos at panuntunan.

Sa madaling salita ay dapat mabigyan ng pangil ang NTC kung gusto nito na irespeto ng telcos dahil kung hindi ay mag-mumukha lang itong paper tiger at patuloy na babalewalain ng mga higanteng kompanya.

Siyanga pala, sa huling balita ko ay iaapela pa raw ng telcos ang multang P200 kada araw na ipinataw ng NTC sa kanila.

Ganid talaga! He-he!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply