Iringan nina Cojuangco, Gonzales II tumitindi

neptali-kimi

TUMITINDI pa ang iringan nina Majority Floorleader Neptali Gonzales II at Pangasinan Rep. Kimi Cojuangco.

Ang iringan ay nag-ugat sa patuloy na pagkomento ni Cojuangco sa kawalan ng korum na dahilan kung bakit hindi matalakay sa plenaryo ang kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Paliwanag ni Gonzales na hindi maaaring takutin ang mga kongresista na kapag hindi dumalo sa sesyon ay maaaring maparusahan dahil “ matatanda na aniya” ang mga mambabatas.

“Ang pangamba ko kung ngayon ay walang korum, lalo na siguro sa January.  Ang dapat siguro ay iyong mga pro-RH at gusto nilang maipasa ito, siguro dapat present sila,” giit ni Gonzales.

Hinamon pa ni Gonzales ang sinumang kumukwestyon sa kanyang liderato ay sila na ang manguna at gumawa ng paraan upang mapwersa ang mga kongresista na dumalo sa sesyon.

Sinuportahan din ni Gonzales ang paglalabas ng pangalan ng mga kongresista na hindi nagsisidalo sa sesyon.

Nauna rito ay nagkomento sa kanyang Twitter Account si Cojuangco nagsasabing “weak” ang liderato ni Gonzales dahil hindi nito mapwersa ang mga kongresista na dumalo sa sesyon upang magkaroon ng korum samantalang nagagawa aniya ito sa ibang isyu.

Nagpasaring din si Cojuangco sa pakikipagsabwatan ni Gonzales sa mga opisyal ng simbahang katolika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply