Isa pang investment company sa Mindanao, iniimbestigahan ng DOJ

INIIMBISTIGAHAN na rin ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang isa pang malaking grupo ng investment company sa Mindanao.

Partikular na tinukoy ni Justice Secretary Leila de Lima ang Coco Rasuman Group na ang konsentrasyon ng operasyon ay nasa Lanao at kalapit lalawigan.

Sa ngayon, aniya, ay inaalam na nila kung ang Rasuman group ay related sa Aman Futures Philippines Group Inc.

Tumanggi naman muna ang kalihim na ihayag kung gaano kalaki ang operasyon at mga taong nabiktima ng nasabing grupo dahil sa nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon

Aminado rin ang kalihim na si Rasuman, anak ng isang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways, ay inaresto ng isang sundalo na pinaniniwalaang kasama sa mga naging biktima ng kanyang investment scam.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply