Coco Rasuman naaresto sa Marawi City

leila de lima

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na naaresto na si Jacob “Coco” Rasuman sa Marawi City kahapon.

Ayon kay De Lima, naaresto si Rasuman ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation batay na rin sa inilabas na warrant of arrest ng Cagayan de Oro RTC Branch 20.

Kabilang din sa ipinaaaresto ng mababang korte ay ang ama ni Coco Rasuman na si dating Department of Public Works and Highway Undersecretary Bashir Dimaampo Rasuman at siyam na iba pa na kinausuhan ng syndicated estafa.

Nag-ugat ang kaso sa isinampang reklamo ng mahigit 20 indibiduwal na hinikayat umano ng grupo ni Rasuman o ang NAD Auto Opinion Corporation, na humikayat sa kanila na mag-invest kapalit ng mataas na return of investment sa loob lamang umano ng dalawang buwan.

Nabatid na umaabot umano sa P120 million ang kabuuang naibigay ng mga biktima sa mga akusado.

Samantala, inatasan na rin ni De Lima ang Bureau of Immigration na magpalabas ng lookout bulletin laban sa iba pang nasa likod ng naturang pyramiding scam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply