Isyung off-line na sina Luis at Jennylyn, ikina-shock ni Ate Vi!

LARAWAN ng isang very protective at palaban na ina si Gov. Vilma Santos ‘pag ang tungkol na sa kanyang mga anak ang sentro ng usapin. Dahil buwan ng Nobyembre ngayon, hayaan na nating maging month long ang birthday celebration ni Ate Vi. Kaya sa The Buzz, isang espesyal na panayam sa Star For All Seasons ang aming natunghayan.

Mariing pinabulaanan ni Ate Vi ang mga intrigang hiwalay na si Luis Manzano sa nobyang si Jennylyn Mercado, ito ang iniintriga ngayon ng iba na kahit sino ay tila mahirap naman maniwala.

Kailan lang ay nag-post pa si Luis sa kanyang Facebook account ng mga larawan nila ni Jen nu’ng magpunta sila sa Dubai, at ang sweet ng dalawa.

Tapos heto’t may chickang break na agad. Paghiwalayin ba agad?! ‘Wag namang ganon.

Mismong si Ate Vi ang nagsasabi na maligaya si Luis sa piling ni Jen at siya bilang ina ni Luis, ay natutuwa sa nakikitang kaligayahang dulot ng relasyon ito sa dalawa.

Sinagot rin ni Gov. Vi ang mga intriga tungkol sa asawang si Sen. Ralph Recto. Aniya, alam niya, in her heart na malinis ang hangarin ni Sen. Ralph na magsilbi at ipatupad ang batas. ‘Yun nga lang, marami ang nagbibigay ng kulay at hindi nauunawaan ang hangarin ng asawa na makatulong kaya ganon na lang ang mga batikos sa sena- dor.

Pero tulad ng isang ulirang ina at asawa, sinabi ni Ate Vi na mananatili siyang nasa likod ng mga mahal niya sa buhay. Susuportahan raw niya sina Sen. Ralph at ang mga anak sa lahat ng laban pero siya rin daw mismo ang hindi magkukunsinti ‘pag hindi tama ang ginawa ng mga ito.

No wonder sobrang mahal ng mga taga-Batangas si Gov. Vi, hindi lang bilang idolo kundi dahil maprinsipyo siyang leader ng probinsiya.

Maligayang kaarawan muli, Ate Vi!

—————0————-

TEKA nga, masyado nang overkill ang usaping John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Sa totoo lang, may umay factor na ang fans at nagtatanong na ang marami kung bakit hindi pa rin maka-get over ang marami sa balitang mag-dyowa na ang dalawa?

Oo nga naman.

Ang mahalaga, masaya naman daw sila at ngayon lang daw nila natagpuan ang tunay na kaligayahan sa piling ng isa’t isa, so let them be.

In fairness, gandara ang A Beautiful Affair nina John Lloyd kasama si Bea Alonzo, huh? Very cinematic at classy ang texture. Hindi jologs ang dating at halatang gumastos talaga ng bongga ang ABS-CBN para sa proyekto.

Beautiful affair rin kaya ang drama nina Angelica at Lloydie?

Choz lang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply