ITCZ humina na – PAGASA

HUMINA na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) subalit asahan pa rin ang maulang panahon sa Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Palawan, gayundin sa Visayas at Mindanao.

Uulanin din ang Cagayan Valley, Aurora at Quezon provinces dahil na rin sa Hanging Amihan.

Kaugnay nito, sinabi ni PAGASA forecaster Gener Quitlong na posibleng tumagal pa nang hanggang Pebrero ng susunod na taon ang pag-iral ng ITCZ sa Visayas at Mindanao.

Samantala, ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na may pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply