ITCZ makaaapekto pa rin sa Mindanao

APEKTADO pa rin ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Mindanao habang umiiral naman ang cold front sa Batanes Group of Islands.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dahil sa mga naturang weather system ay makararanas ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Palawan at Mindanao.

Magiging maulap din sa Batanes Group of Islands na may kasamang mahinang pag-ulan.

Bahagyang maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa na may kasamang pag-ulan lalo na sa dakong hapon at gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply