Jack

KAPAG daw kapangalan mo ang tatay mo mas mahirap kasi hindi lang kilos at asal mo ang iingatan mo kundi pati na rin ang reputasyon ng pangalan na dala-dala mo.

Kagaya ko, mas maingat minsan kasi kilala ka muna bilang anak ng tatay mo bago pa man kung sino ka talaga kasi nga ang pangalan mo ay pangalan muna niya.

Minsan naman kabig sa iyo lalo kung sikat at nakagawa ng mas malaking pangalan ang ama mo na kapangalan mo.

Gaya nga ni Jack o si Juan Ponce Enrile, Jr.

Ang laki ng sapatos na pupunan ni Jack, ika nga, kasi ang tatay at “namesake” nIya ay walang iba kundi si Johnny Enrile o kilala nating lahat na si JPE.

Pero ang tanong ko naman, bakit kailangang punan o bakit kailangang maging basehan?

Siyempre mas maingat nga lalo kung ang tatay mo si JPE pero pwede naman na si Jack ay  sumikat at makilala bilang si Jack muna bago bilang anak ng tatay niya.

Jack is his own man.

Ilan sa mga panukalang batas na kanyang sinulat at isinulong ay kanyang maipagmamalaki tulad na lang ng Batas Kasambahay at Food for Filipinos First.

Ang pagtutok niya sa malawakang isyu ng agrikultura ay patunay pa rin na ang klase ng mga batas na mahalaga para kay Jack ay nagpapatunay na bilang isang mambabatas ay may kakayahan si Jack na bigyang tinig ang mga tunay na damdamin at hinaing ng kanyang constituents.

Ang mga kagaya ni Jack na anak ng mga klase ng tatay nila ay parang bola minsan, hindi mo alam kung saan pupunta, kung sa pagmamalaki ba sa reputasyon ng kanilang pangalan o sa pagkimkim nito para huwag mabansagan na anak lang naman.

Siguro hindi naging madali ang desisyon ni Jack Enrile na tumakbo bilang Senador dahil nga sa nakaatang sa kanyang balikat ang pangalan ni JPE pero ang tapang niya sa pagdedesisyon na harapin ang maaaring batikos o kahit pa pahapyaw na pangungutya ay ang mismong minana naman  niya sa kanyang ama – tatag ng loob, paninindigan at ang pagharap sa mapanuring mata ng botanteng Pinoy.

Ang mas matinding pagsusuri kay Jack ay kung sakali nga na maging Senador na siya, pero dito niya rin mapatutunayan na kahit proud siya sa tatay niya ay, indeed, he is his own man.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply