Jackson may posibilidad bumalik sa Lakers

phil-jackson

MATAPOS ang 1-4 start ng Los Angeles Lakers ay sinipa nila ang kanilang coach na si Mike Brown at kinagabihan ay nanalo sila laban sa Golden State Warriors kung saan ay si Interim coach Bernie Bickerstaff ang tumawag ng play.

Habang naglalaro ang Lakers ay sigaw naman ng sigaw ang mga fans ng ”We want Phil!” kaya naman naisipan nilang makipag-usap kay 11-time NBA champion coach Phil Jackson para kumbinsihing bumalik mag coach ulit sa ikatlong pagkakataon.

Nakipag-usap naman si Jackson at muling siyang makikipagkita sa Lakers officials susunod na Linggo.

Nagsabi din ng pagkagusto sina Kobe Bryant at Dwight Howard sa serbisyo ng legendary coach na si Jackson.

”Knowing him the way I do, I think it’s really just a matter of health, if he feels physically up to doing it,” sabi ni Kobe Bryant. ”He’s a perfectionist. We all know he’s a perfectionist. If he feels like he can come in here and give what he demands from himself, then I think he would be interested.”

Umalis si Jackson sa 16-time champion franchise Lakers noong 2011 dahil gusto na niyang magpahinga.

Ang former Knicks forward, Jackson ay nag coach muna ng nine seasons sa Chicago at nakapagtala ito ng anim na kampeonato kasama ang pambatong niyang manlalaro na si Michael Jordan bago ito lumipat sa Lakers noong 1999.

Nilisan ni Jackson ang Lakers noong 2004 matapos matalo sa Finals ng NBA kontra Detroit Pistons at muling bumalik pagkalipas ng isang taon.

Samantala, sa NBA resulta, sinuwag ng Chicago Bulls ang Minnisota Timberwolves, 87-80 habang tinambakan ng Houston Rockets ang Detroit Pistons, 96-82.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply