Jail officer nabaril ang sarili sa Bilibid

baril

NAGKAROON ng tensyon sa loob ng maximum security compound ng National Bilibid Prison (NBP) nang mabulabog muli ang mga bilanggo matapos aksidenteng pumutok ang baril ng isang jail officer na nagresulta sa kanyang pagkakasugat kanina sa Muntinlupa City.

Isinugod sa NBP Hospital si Jail Insp. Bobby Veneracion matapos madaplisan ng bala ng pumutok niyang service firearm sa kanang hita dakong alas-2 ng hapon.

Samantala, labis na nag-alala ang mga kaanak ng mga bilanggo sa maximum security compound sa panibagong insidente dahil sa pangambang muling masususpinde ang kanilang pribilehiyo na makadalaw sa nakabilanggo nilang mahal sa buhay.

Matatandaan na sinuspinde ng limang araw ang mga pribilehiyong ipinagkakaloob sa mga bilanggo at sa kanilang mga kaanak matapos ang insidente ng pagsabog ng granada sa loob na naturang compound.

Personal namang nagtungo sa NBP si Muntinlupa police chief Sr. Supt. Conrad Capa upang pangasiwaan ang pag-iimbestiga sa panibagong insidenteng naganap kaugnay sa aksidenteng pagputok ng baril ng naturang jail officer.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply