James nangalabaw kontra Bucks

james

DALAWANG assists na lang para mag triple-double si basketball superstar LeBron James.

Ganunpaman, sapat pa rin ang 28 puntos, 10 rebounds at walong assists ni James upang ilista ng Miami Heat ang 113-106 overtime win kontra Milwaukee Bucks kanina sa nagaganap na 2012-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

”We’ve got to just continue to get better,” wika ni three-time MVP James. ”We came out for a quarter and a half and played some good basketball and then we kind of got laxed offensively, had some turnovers and let them get back into the game”.

Sinelyuham ni Ray Allen ang 5-0 home-winning streak ng Heat ng isalpak nito ang three-pointer para sa 109-100 lamang may 1:07 minuto na lang ang nalalabing oras sa extra period.

Kumamada rin ang nagbabalik na si Dwyane Wade ng 28 puntos habang 24 ang binakas ni Chris Bosh upang mapaganda ng Heat ang kanilang team standing sa 9-3 win-loss slate.

Nagtala naman si Allen ng 17 markers at tatlong board.

”That’s the nature of NBA games,” ani Heat coach Erik Spoelstra. ”They’re long. The other team will make a run. … This is a very good basketball team. They stormed right back into it. You have to give them credit.”

Si Brandon Jennings ang nanguna sa opensa para sa Bucks na may binirang 19 points, seven rebounds at anim na assists habang si bench player John Henson ay nag-ambag ng 17 pts. at 18 rebounds.

”LeBron made some big plays, got his guys, found his guys,” sabi ni Henson. ”That’s what helped them win the game.”

Samantala, sa ibang resulta, nanaig din sa overtime period ang Indiana Pacers, last season’s runner up Oklahoma City Thunder at Atlanta Hawks.

Tinalo ng Pacers ang New Orleans Hornets, 115-107 habang pinisak ng Thunder ang Los Angeles Clippers, 117-111.

Gabuhok naman tinalo ng Hawks ang Washington Wizards, 101-100.

Lugmok naman ang Los Angeles Lakers sa Sacramento Kings, 97-113.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply