Janelle Manahan wala sa Ramgen hearing

“SIYA ang nagdemanda tapos siya ang hindi magpapakita, hindi pwede yan!”

Ito ang ipinahayag ng ina ng napaslang na si Ramgen Revilla makaraang madismaya  sa hindi pagdatin ng pangunahing testigong si Janelle Manahan sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) sa pagpaptuloy ng paglilitis sa kaso kanina.

Nagpakita ng pagkadismaya si Genelyn Magsaysay, ina ni Ramgen, nang ihayag ni Atty. Resty Mendoza, abogado ni Manahan kay Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 ang dahilan ng hindi pagdalo sa paglilitis ng kanyang kliyente.

Dahil sa ipinakitang pagkairita ni Genelyn na nakaupo sa hanay malapit sa harapan, kaagad na hiniling ni Atty. Mendoza sa korte na kastiguhin ang ina ni Ramgen dahil nakakaabala sa paghahain niya ng manifestation.

Sinabi ni Atty. Mendoza na kasalukuyang wala sa bansa ang kanyang kliyente dahil sumasailalim aniya ito sa puspusang pagsasanay kaugnay sa pinasok niyang trabaho at sa Disyembre 3 pa ang dating.

Humingi rin ng paumanhin si Atty. Mendoza sa korte hinggil sa hindi pagdalo sa paglilitis ng kanyang kliyente upang ipagpatuloy ang kanyang tesmimonya bagama’t tiniyak niya na haharap ito sa Disyembre 11. Matagal aniyang walang trabaho si Manahan mula nang magsampa ng kaso kaya’t nang matanggap bilang ahente sa isang real estate company ay kaagad siyang sumailalim sa pagsasanay.

Tinutulan naman nina Atty. Jeffrey Gepte, abogado ng akusadong si Ramon “RJ” Bautista at Atty. Clarissa Castro, abogado ng isa pang akusadong si Glaiza Vista ang hirit ni Atty. Mendoza sa paniwalang mas mahalaga ang pagharap nito sa usapin sa halip na dumalo sa pagsasanay.

Gayunman, kinatigan ng korte ang manifestation ni Atty. Mendoza bagama’t nagbanta  rin si Judge Madrona na papatawan ng parusa si Manahan at hindi na rin pakikinggan ang testimonya sa oras na hindi makarating sa nakatakdang paglilitis sa Disyembre 11.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply