Janitor sa NAIA na nagsauli ng bag binigyan ng pagkilala ni Recom

BINIGYAN ng pagkilala ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang janitor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagsauli ng bag na pag-aari ng pasahero na may lamang malaking halaga ng salapi, alahat at iba pang importanteng gamit.

Ayon kay Echiverri, ang pagbibigay ng pagkilala sa janitor ng NAIA na si Ronald Gadayan, residente ng #22 3rd Street, 6th Avenue, Barangay 116, Grace Park, Caloocan City ay upang gawin itong modelo ng lahat ng residente ng lungsod.

Isang resolusyon naman na nilagdaan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Caloocan na inisponsoran ni Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri ang naipasa dahilan upang mabigyan ng “plaque of recognition at commendation” si Gadayan.

Nakasaad pa sa resolution no. 2017 s. 2012 na “A resolution giving a plaque of recognitiong and commendation to Mr. Ronald L. Gadayan, a resident of Caloocan City, for his laudable feat of returning to its rightful owner the PHP 2.4 million worth of valuables and cash that he found at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) last September 3, 2012.

Lumalabas sa record ng tanggapan ng NAIA, noong September 3 ng taong kasalukuyang nang makita at mapulot ni Gadayan ang isang designer bag sa ilalim ng “gang chair” sa south wing ng naturang paliparan habang ito ay naglilinis ng salamin.

Bagama’t maliit lamang ang sahod ay hindi nagka-interes si Gadayan sa laman ng bag bagkus ay agad nitong dinala sa kanilang tanggapan ang napulot at nang buksan ay napag-alaman na naglalaman ito ng malaking halaga ng salapi, iba’t-ibang klaseng alahas at iba pang mahahalagang gamit.

Sa pamamagitan ng calling at credit cards ay natukoy ng mga awtoridad ang may ari ng bag na nakilalang si Francis Lloyd Chua Ty na sumakay papuntang Cebu na sakay ng Cebu Pacific flight PR 849.

Agad namang inutusan ni Ty ang kanyang executive assistant na magtungo sa NAIA upang kunin ang naiwan nitong bag dahil kasalukuyan na itong nasa Cebu na naging dahilan upang maibalik sa tunay na may-ari ang napulot ni Gadayan.

Dahil sa ipinakitang katapatan ni Gadayan ay iba’t-ibang parangal at pagkilala ang natanggap nito kaya’t agad na gumawa ng resolusyon si Councilor RJ upang kilalanin ng Caloocan City ang ginawa ng matapat na janitor.

Sa ginanap na awarding ceremony sa city hall ay ipinagmalaki ni Mayor Recom ang ipinakitang katapatan ni Gadayan at sinabi pa nito na karapat-dapat lamang na bigyan ng pagkilala ang matapat na janitor kasabay ng paghikayat ng alkalde sa lahat ng residente na gawing modelo ang ginawa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply