Japan tutulong sa Pinas — PM Yoshihiko Noda

PATULOY na tutulong sa Pilipinas ang bansang Japan lalo na sa Mindanao, ito ang tiniyak ni Japanese Prime Minister Yoshihiko Noda kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ang patuloy na pagtulong ay ipinahayag ng lider sa kanilang bilateral meeting ni Pangulong Aquino sa Laos kung saan ginaganap ang Asia-Europe Meeting (ASEM) 9.

Ayon kay Noda, patuloy ang pagbibigay ng suporta sa bansa, lalo na at nalagdaan na ang framework agreement sa paglikha ng Bangsamoro political entity.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Noda dahil sa ito ang naging host ng unang pagkikita nila ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad noong Agosto 2011, na naging turning point sa pakikipag-usap sa MILF.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply