Japanese nabiktima ng salisi gang sa Maynila

MPD-HeadQ

NATANGAYAN ng mamahaling cellphone, pera at kagamitan ang isang Japanese national ng hinihinalang miyembro ng salisi gang habang kumakain ito sa isang kilalang food chain sa Ermita, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktima na si Watanabe Kazuyuki, 41, tubong Iwaki City, Japan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ng MPD-GAS, dakong alas-3:00 kahapon nang naganap ang insidente sa loob ng Jollibee-Remedios branch sa Ermita, Manila.

Nauna rito, nakaupo ang biktima sa isang lamesa at habang kumakain ay inilapag nito ang kanyang bag na naglalaman ng Docomo cellular na nagkakahalaga ng P30,000, 50,000 Japanese Yen at iba pang kagamitan nito, sa kanyang katabing upuan.

Huli na nang napansin niya na nawawala na ang kanyang bag at hinala na tinangay ng apat na kalalakihan na sandaling umupo sa katabing upuan.

Samantala, hinihinalang isang lady foreigner ang tumangay naman sa iPhone ng isang estudaynte ng College of the Holy Spirit habang kumakain ito sa isa pang fast food chain sa San Miguel, Maynila.

Sinabi ni Justine Marico Colago, 19, 4rth year college at residente ng Panay Mindanao Ave., Sampaloc, Maynila, magkalapit lang ang upuan nila ng suspek na inilarawan niyang Iranian/Arabic, habang kapwa kumakain sila sa loob ng nasabing food chain dakong 12:30 ng tanghali

Habang kumakain ay inilapag niya ang kanyang iPhone subalit huli na nang napansin na nawala ito.

Hinala ng biktima, na ang katabing foreigner ang tumangay sa kanyang cellphone na mabilis ding naglaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply