Japanese national patay sa inuupahang bahay

dead

INABUTAN na ng kamatayan sa bahay ng dating driver nito ang isang mayamang Japanese national at miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry in Japan (PCCIJ) na kumalinga sa kanya sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ni PO3 Rodel Benitez, imbestigador ng MPD-Homicide Section, ang biktima na si Masahide Asani, 60 anyos, dating negosyante at miyembro ng PCCIJ.

Sa report ni Benitez, dakong alas 9:00 kaninang umaga ng matagpuang patay ang biktima sa loob ng banyo ng inuupahang nitong bahay.

Sa pagsisiyasat ni Benitez, napag-alaman na taong 2007 pa nang magtungo sa bansa si Asani na dating konektado sa Ikuine Linkage Co.Ltd. at nagpabalik-balik ito sa Pilipinas.

Taong 2006 nang huli itong bumisita sa bansa at simula noon ay hindi na bumalik pa ng Japan.

Dahil nalulong umano ang biktima sa sugal, alak at babae ay naghirap ang biktima hanggang sa mapurdoy at nagpalaboy-laboy sa Mabini hanggang sa makita ito ng kanyang dating driver na si Francisco Grafil, 38, sa 1687 Bulacan St.Sta.Cruz, Maynila.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima ganap na alas 4:00 ng madaling araw kanina habang nagco-computer.

Ipinaalam naman ng MPD-homicide Section, sa embahada ng Japan ang sinapit ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply