Japeth Aguilar kauna-unahang Pinoy na na-draft sa NBA D-League

HALOS maabot na ng basketbolistang Pinoy na si Japeth Aguilar ang kanyang pangarap na makapaglaro sa pamosong National Basketball Association (NBA).

Si Aguilar, 25-anyos at produkto ng Western Kentucky, ay napili ng Santa Cruz Warriors sa ika-pitong round ng NBA Developmental League (NBA D-League) draft kaninang umaga (Manila time), ayon sa NBA website.

Sakaling papirmahin na, si Aguilar ang kauna-unahang Filipino na maglalaro sa NBA D-League, nanaging hagdanan ng ilang manlalaro para makaakyat sa NBA.

Ang Santa Cruz, California based squad — na dating kilala na Dakota Wizards ay huling nanalo ng D-League title noong 2006-2007 season.

Si Aguilar, ay dating manlalaro ng Ateneo University sa UAAP at Talk N’ Text sa PBA.

Tinangka rin ni Aguilar ang kanyang suwerte sa NBA squads tulad ng New Orleans sa kanilang pre-season camps, pero naiwanan siya ng bus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply