JBC handa na sa botohan ng Associate Justice

NAGSUMITE na ng SALN at bank waiver ang mga Supreme Court justices aspirant na nais mapasama sa shortlist ng posibleng sumunod na mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Ayon kay Atty. Jose Mejia, miyembro  ng JBC, handang handa na ang Judicial and Bar Council (JBC)  para sa gagawing botohan sa 15 nominado sa nasabing posisyon.

Sinabi ni Mejia na lahat ng aspirante ay nakapagsumite na lahat ng kanilang mga requirement kabilang na ang kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at waiver sa bank assets.

Sa Nobyembre 7, araw ng Martes gagawin ang botohan.

Mayroon namang hanggang Nobyembre 22, si Pangulong Benigno Aquino III upang makapaili ng Associate Justice, posisyon na binakante ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply