JBC kumpiyansa sa pagkatalaga kay Leonen

JBC

MALAKI ang kumpiyansa ng Judicial and Bar Council (JBC) na magiging maayos ang relasyon nina bagong Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kasama ng iba pang mga justices ng SC.

Ayon kay JBC academe member Jose Mejia, kilalang magkaibigan sina Sereno at Leonen kaya posible umanong maipatupad ang tunay na reporma sa Korte Suprema.

Sinabi pa ni Mejia na sa katunayan, si Leonen ang nag-nominate noon kay Sereno nang ito ay associate justice pa ng SC.

Ayon naman kay Sen. Gringo Honasan, wala siyang nakikitang mali kung sinunod ni Pangulong Benigno Aquino III ang standard at proper legal procedure sa pag-appoint kay Leonen.

Iginagalang din ni Honasan ang desisyon ng Pangulo dahil bilang isang chief executive, prerogative niya ang mamili sa listahan ng mga nominado.

Pinuri naman ni Sen. Kiko Pangilinan si Leonen sa bagong puwesto nito.

Noon pa man aniya ay hanga na siya sa galing ni Leonen nang makasabay niya ito sa law school.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply