JBC shortlist hawak na ng Malakanyang

HAWAK na ng Malakanyang ang shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa bagong Supreme Court (SC) associate justice.

At gaya ng inaasahan ay kasama si government chief negotiator Marvic Leonen sa shortlist.

Si Leonen ang nanguna sa negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hihimaying mabuti ni Pangulong Aquino ang mga nominado lalo na sa kanilang ideya sa hudikatura at reporma.

Aniya, walang dapat na ipangamba ang mga nominado dahil lahat sila ay bibigyan ng parehas na pagkakataon upang kumbinsihin ang Chief Executive na siya ang karapat-dapat sa posisyon.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng Malakanyang na hindi pa tapos ang trabaho ni Leonen sa peace process sa MILF.

Tinuran ni Sec. Lacierda na ilang annexes pa daw ang dapat pag-usapan sa nilagdaang framework agreement kaya hindi pa tiyak kung pakakawalan siya ng Pangulo sa peace panel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply