Jennifer Lopez darating sa Phl ngayong hapon

ILANG oras na lamang ang nalalabi darating na sa Pilipinas ang singer/actress na si Jennifer Lopez para sa kanyang first ever concert sa bansa bukas, November 26.

Batay sa schedule, alas-4:00 ngayong hapon inaasahang lalapag ang private Gulfstream IV aircraft na sinasakyan ni J.Lo at siyam pang kasamahan ng aktres.

Galing umano ng Shanghai, China, ang chartered flight at lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Una ng ipinahayag ni Lopez na excited na itong pasayahin ang kanyang Pinoy fans.

Sinabi pa ni J.Lo na natutuwa siya sa paghanga ng mga Pinoy sa kanya na tila hindi marunong magsawa na kanya namang ipinagpapasalamat.

Ilan sa J.Lo hits ay ang “Jenny From The Block,” “Waiting For Tonight,” “On the Floor,” “Let’s Get Loud,” “Get Right,” “Talk About Us” at iba pang upbeat songs.

Gaganapin ang “Dance Again World Tour” ni J.Lo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply